Friday, March 11, 2016

ang aking natutunan

              Ang Aking Natutunan sa Araling Asyano
   
          Sa loob ng maraming buwan ay marami akong natutunan sa Araling Asyano lalo na sa parte ng Asya at ng Pilipinas sa pangunguna ng aming gurong si Gng. Rosemarie Hatuina.
           Sa mga nakaraang mga buwan ay mas marami na ang aking kalaman tungkol sa asya at mga bansa rito. Nadagdag pa rito ang mga kontinente sa daigdig ang Asya, Africa, Hilagang America, Timog Amerika, Antartika, Europa, at ang Australia.  Sa mga kontinenteng bumubuo sa mundo Asya ang may pinakamalawak na sakop at dito kasama ang Pilipinas. Ang Asya naman ay hinahati pa sa limang uri ito ang Timog kanlurang Asya, Timog Asya, Timog Silangang Asya, Silangang Asya, at Hilaga at Gitnang Asya. Nalaman ko na rin rito sa araling ito kung ano-anong mga bansa ang nakapuwesto rito, halimbawa na lang ng Pilipinas na sakop ng Timog Silangang Asya. Nalaman ko rin dito sa araling ito na marami palang mga teorya kung paano nabou ang tao at ang mga sinasabing mga unang taong namuhay rito sa ating mundo. Ang kasunod naman ay ang kung paano tinatrato ng mga kalalakihan noon ang mga babae noon ang tingin nila sa atin ay hamak na bagay lamang o ari-arian ngunit habang tumatagal ito ay nagiging maayos naman na ang trato nila sa atin dahil na rin siguro ito sa mga babaeng namuno sa  pagtatanggol sa atin na mga kababaihan.  Ang sunod ay ang mga ibat-ibang uri ng pamahalaan ang Pamahalaang Republika kung saan nabibilang ang Pilipinas, ang Pamahalaang Monarkiya,Pamahalaang Diktatoryal, Pamahalaang Military Junta at ang Pamahalaang Emirate. Ang Pamahalaang Republika ay pinamumunuan ng president at ito ay umiiral sa pamamagitan ng pagboto ng mga mamamamyan kung sino ang hihirangin na bagong presindente kada anim na taon. Ang pamahalaang Monarkiya ay pinamumunuan ng mga Hari/Emperador kung lalaki at Reyna/Emperatris naman kung babae. Ito ay pinamumunuan ng iisang tao lamang.  Ang Pamahalaang Diktatoryal ay pinamumunuan ng isang Diktador o isang “strong man” na nakukuha ang kapangyarihan sa pamamagitan ng dahas at pamimilit.  Ang Pamahalaang Military Junta ay pinamumunuan ng isang komiti na binubuo ng mga pinunong militar.  Ang Pamahalaang Emirate naman ay para sa mga muslim.  Ang pinuno nito ay mga prinsipe o prinsesa na galling sa lahi ni Muhammad.
          Yaon lamang, muli ay nagpapasalamt ako kay Gng. Hatuina sa walang sawang pagtuturo sa amin ng mga aral na ito babaunin namin ito hanggang sa pagtatapos namin.  Maraming salamat din po dahil palagi kayong nandyan para gabayan kami sa mga daang tinatahak namin.  Pasensya napo kung nagiging makulit kami at maingay sa klase niyo, maraming salamat po sa tyaga na binigay niyo sa amin muli po ay maraming salamat  sa lahat.